• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

Ang bawat segundong magdaan, ay 'di na mababalikan... magpakailan pa man.
Kaya 'wag sayangin kaibigan, oras pahalagahan...

Ang Oras ay isa sa mga pinakapiling yaman na pantay-pantay ang pagkababahagi sa bawat tao. Ngunit, kung minsan, lumalabas na mas maraming nagagawa ang isa laban sa isa - ang sekreto ay... ano kaya?


Home

Maggi Spaghetti

August 29, 2010

Birthday ko ngayun! Ayan ang sabi ng batang ito sa Maggi Spaghetti ad. Meron pa kaya nito sa tindahan? Parang gusto kong bumili para pang midnight snacks.

birthday maggi spaghetti
Posted by sidhi at 10:07 pm | permalink | Comments Off

Kumusta na ako ngaun, after 48 years

December 10, 2009

Matagal na rin pala akong di nakakasulat sa i. Ganda pa naman dito. So, wazzup wazzup me na? Bin long.

Hay -  May 19, 2008 pa pala ang last post ko dito. Kawawa naman ang aking mga fwends at mga stray visitors, hindi na update sa showbiz happening. Well, wala na akong trabaho. Hindi na ako employed. Nagpalit na rin ako ng address, ng phone number, ng cellphone number. Kung pwede lang sana pati pangalan?

So ganun, nag start from scratch me. Nagtago. Lumayo. At patuloy ang buhay. Hanapin nyo nalang ako! Each is busy metro city. Be the oooooh is wish. Yun yun! Salamat!

musta mus
Posted by sidhi at 11:41 pm | permalink | Comments Off

Back to Day Shift!

May 19, 2008

I’m back to Day Shift this month. Tsk, wala na akongnight diff, sayang yung P75/night - mid night snacks pa sana yun…

Pero at least, balik sa normal ang libidinous layp. ;) )

Kawawa naman ang site kung ito - halos 1 year din bago ako uli makapagpost… busy na kasi.

inset: sa atip ng aking boarding haus, habang ngmumuni-muni, sinubukan kong magpicture picture sa ilalim ng araw - burst shot mode lng at mag pose ng mg pose - at piliin ang perfect angle. charan!

bisngaw
Posted by sidhi at 8:51 am | permalink | comments[1]

Night Shift - Pampababa ng Libido!

June 28, 2007

   Hay, nako. Ikaapat na gabi ko ngaun mula nang malipat sa night… Wala naman akong problema sa schedule na panggabi, mabuti nga at marami pa akong nagagawa sa araw - pagkatapos ng sandaling idlip. Isa pa, ako naman ang may kagustuhan na mapunta rito - para tuloy tuloy ang trabaho namin ng mga ka kasama ko sa Earthdiver team… Pero may isa lang akong napansin sa aking sarili - bumababa na ata ang lebel ng aking libido!

Ahaha, h'wag kayong bastos! Malinis na usapan to… Bakit ngaba palagay ko, parang humina ang natural response ko sa mga outside stimulants. Kahit ang mga involuntary rituals na nangyayari dati'y hindi ko na napapansin sa aking katawan. Katulad nalang ng flag raising ceremony tuwing umaga, o kaya'y sa bawat paggising - wala na yun. Kahit pa na paluin ko pa yung unggoy, walang pa ring  gana…

Hay, ganito pala ang night shift… May night differential nga, pero ang P75 kada araw na yun ay para din naman pambili ng mangunguya sa magdamag, maiinom, gamot sa sakit ng ulo, vitamins panlaban sa sakit, compensation para sa mga nawalang night-life opportunities, at higit sa lahat - sa pagkawala ng libido.

Wooooh! Gusto ko pa! At least, nababawas-bawasan man lang ang aking mga kasalanan…. Kaya, behave! Muling matutulog ang aking mundo, walang gigising.

Image credits: Loothang Design Labs, the official Graphics Artist for SIDHI.I.PH

libido night differential night shift trabaho
Posted by sidhi at 10:14 pm | permalink | Comments Off

Insomnia sa trabaho

June 26, 2007

Hay. Kala ko aantukin ako sa panggabi na shift. Kalahating kutsaritang kape lang naman ang ininom ko ah (kalahating kutsaritang asukal at at least dalawang paketeng creamer). Bakit ayaw akong patulugin? Naiinggit na ako sa mga kasama ko dito - na ang iba'y humihilik pa nga.

Isa sa mga nagugustuhan ko sa opisina - ay ang napakarelaxed na atmosphere. Merong rules. No sleeping at work. But who cares? ;) ) Eh sa inaantok eh!

Panu ba ako matutulog nito? Ayaw akong dalawin ng antok! Ang katotohanan - ang dumalaw sa akin ay gutom! Naks. Kumalam talaga sikmura ko kahit nagsopas ako at kanin kanina. Kaya food trip to the max na naman me - isang supot ng King Flakes. Yun lang ang maaafford ko sa ngayun, or willing  kung bilhin, or ang pinaka accesible na pagkain. Ehehe. Gutom solb. Naka dalawang brown outs na. Pero hindi pa rin ako makatulog. Kaya pagbalik ng kuryente, blag muna.

Image credits: Loothang Design Labs, the official Graphics Artist for SIDHI.I.PH

brown out insomnia kape king flakes night shift trabaho tulog
Posted by sidhi at 4:32 am | permalink | Comments Off

Bagong Iskedyul

June 25, 2007

  Nais ko sana noong magresign at magmasteral degree muna… Nakatanggap kase ako ng sulat mula sa DOST na papag-aralin daw nila ako sa mga mamahaling schools sa bansa (ako ang pipili sa mga pagpipilian), sila na ang babayad ng full tuition at bibigyan pa nila ako ng  10K bwan-bwan, hindi pa kasama dun ang 7K para sa mga libro at 60K para sa thesis/dissertation. Napakagandang offer - kaya inasikaso ko na ang mga papeles at sinabi sa lahat - "babay." Nalungkot ang aking kliyente. Sobrang lungkot - pero ikinasisiya nya raw na makasama ako sa loob ng taon. Nangangailangan pa sila ng marami pang mga trabahador - kahit part time lang, at least 20 hrs a week, 10-15$ per hour. Sinabi nya pang possibleng makapagpart-time ako habang nag-aaral, basta ba't pumayag ang aming pinakaboss. Sobrang pang naragdagan ang aking excitement. Ilang araw ding tardy o absent ako sa kaaasikaso sa mga papeles - NBI, Certified TOR, Medical, ek ek. Sobrang bagal - sa NBI palang dalawang araw akong bumalik hindi pa rin natapos. Ang haba ng pila. Sa Ospital nman, maaga pa lang, ubos na ang service slots. Konte lang ang natanggap kong sweldo sa kakalabas. Matapos nang lahat ng paghihirap - isa na lang ang natira sa mga requirement - pirma ng pinaka boss sa DOST. Nung pumunta ako dun - sabi ng sekretarya nasa Cebu pa daw ang amo.

"Kelan babalik?" tanong ko.
"Pagkatapos ng eleksyon," sagot n'ya.

Kinabahan na ako. May 14 ang eleksyon. May 15 ang deadline ng mga papeles ko. Aabot kaya?

"Wala bang OIC o sinumang makapipirma nito?" tanong ko.
"Wala na eh - s'ya lang makapipirma n'yan, at walang inappoint na OIC."

Gusto ko s'yang hawakan sa balikat at yugyugin. Pilitin. Reypin…

Hay, sobrang natuwa ang cliyente ko. Hindi na ako magreresign. Sabi n'ya, sana natutuwa rin ako.

Sagot ko naman, "syempre… Pero mas matutuwa ako pag merong bonus. Joke lang. Lagyan mo kaya ng mga deadlines ang mga tasks namin para madaling matapos? Kahit na maraming problema magagawan namin ng paraan basta't merong pampagana…"

Dun na. Yun ata ang pinakamagandang at pinakamatapang na salitang nabitawan ko sa loob ng isang taon.

Mga ilang araw pa - binigyan kami ng deadline, kasama ng alok na $150 kapag naabot yun. Tatlo kami ang maghahati-hati. Kaya night shift na ako ngaun para tuloy-tuloy ang aming pagmimina ng mga impormasyon…

Ganun yun, kaya palit iskudyul ko. Ehehehe. Wag nyo akong hihingan ng balato. Wag n'yo akong asarin sa kadadaldal n'yo na may bonus kaming parating - baka isang linggo na maputol ang connection o magkalindol na naman sa Taiwan, sumablay pa. Silent lang kayo, ok? Huwag n'yong uunahan ang grasya, darating lang yun. Bwahahaha.

bonus night shift pera sidhi
Posted by sidhi at 8:52 pm | permalink | comments[2]

Ano nang Oras mo jan?

June 20, 2007

Anong oras na? Alas onse! Wala pa rin akong nauumpisahang QA task sa kakagawa nitong kalandian. Medyo magastos sa oras kasi di naman kagandahan ang aking internet connection sa ngayun, at isa pa, hindi pa ako eksperto sa mga kinakalikot para maging byutiful ang blag na to. Hay, kasalanan ito ni PANCAKES. Bakit kasi pinakita pa n’ya sa akin ang blag n’ya, natukso rin tuloy akong ilantad ang aking mga… uhum…

Sabagay, maganda rin nman itong Calliope Project i.ph - at sa isisiping Pilipino ang gumawa nito ha?! Bilib na talaga ako sa lahi natin. All-around ika nga. Lahat kayang gawin - mapabuti man o masama, ehehe. Tatapatan nito ang mga gurang na na mga blag sayts. ‘Yon nga lang, medyo intermediate level ka na dapat para makagawa ka ng magandang i.ph blag. Medyo tricky kasi ang pagkakagawa - unique yung interface, at maraming javascripts na nagsusulputan sa bawat pindot. Pero at least, unique s’ya ha. Wala pa akong nakitang blag sayt na tulad nito. Nag-iisa ito! Ang SIDHI!

Mabuhay tayong mga Pilipino! Char. 

Nota: ang cartoographic sketch ay gawa ni Master Pipo the Craftsman 

calliope oras sidhi
Posted by sidhi at 11:18 am | permalink | comments[1]

Sidhi, sa English, intense!

Pasok po kayo sa aking blag. Blag ng mga kung ano-anong pumapasok sa aking isipan at mga nangyayari sa aking buhay… sa mga piling araw… 

Ang aking buhay ay simple lamang - walang masyadong thrill, kaya sa tulong ng SIDHI, ay nais kong gumawa ng sarili kong istorya - ang uri ng buhay na may sidhi. May thrill. Maraming challenges. Maraming kadramahan, at ako ang bida.

Nota: Bisitahin nyo nlng po lagi, baka may mga pagkakataong tupakin ulit ako, tiyak meron na namang isang online version ng aking mga nakaraan - kasalukuyan at hinaharap. 

buhay paunang salita sidhi
Posted by sidhi at 10:00 am | permalink | comments[1]
 
 

Maghanap

Yahoooo!


you can also leave an offline message

Buwanang Daloy

  • August 2010
  • December 2009
  • May 2008
  • June 2007

Sponsored Links

Tag Cloud

birthday bisngaw bonus brown out buhay calliope insomnia kape king flakes libido maggi spaghetti musta mus night differential night shift oras paunang salita pera sidhi trabaho tulog

Katungkulan ko...

...ang aking tungkol. Tungkol sa akin. Ako ay ako doon, pero dito ay iba - ako ay s'ya at kung sino-sino pa. Kung gusto mong makisawsaw, sige sumawsaw ka...

Ano ang Latest?

  • Maggi Spaghetti
  • Kumusta na ako ngaun, after 48 years
  • Back to Day Shift!
  • Night Shift - Pampababa ng Libido!
  • Insomnia sa trabaho

Alin ang sikat?

  • Night Shift - Pampababa ng Libido! (712)
  • Insomnia sa trabaho (611)
  • Sidhi, sa English, intense! (478)
  • Ano nang Oras mo jan? (446)
  • Bagong Iskedyul (434)

Koneksyones

  • GameTheory
  • Pancakes
  • Theorygame
  • Bisngaw
  • Loothang
  • Creations
  • Centralite

Mga Paniniyot

    

Mga Naligaw

Mga Kapurihan

  • pie: anung company yan?...
  • jengkie: wow! ang swerte!...
  • pancakes: buong bayan si JAlex magpapainom...
  • Adam Mordo: Hey! Maraming maraming salamat kapatid....
  • gacdelacruz: internet + strategy = pagyaman galing!...

Kapag Kayo'y Napadaan, Mag-iwan...

pancakes:

2008 na! kumusta naman si libido guy…

Jalex is one crazy person Im glad to have known.

(testi kunyari ba)

ay oy kabalo ko lipay na kaayu ka sa imung kabuhi–ayo ayo lang mare, ismayl olweys!

–hskul lines–

roy:

alam mo ba ang mangyayari kung naging pinoy si Noah.., xlink if possible, im just passing by, try to see my eyes also.

bEv:

nice blog :) thanks for visiting my site..happy weekend!

Junelle:

thanks for visiting my sites :)

southerngirl:

salamat sa pagbisita sa aking hilaw pang blog :D

Blogsilog:

kakaaliw naman ng blog mo. hehe.

pancakes:

malandi ka Jalex!…dumating na ang panahon para ilabas mo ang mga skeletons sa iyong closet..

ROY:

NICE BLOG! Just passing by, try to see my eyes also, you may link (xchange) it if posible. tnx

janus3185:

bloghopping! :D

sidhi:

welcome po kau sa blag

Leave a message ▼