Bagong Iskedyul
June 25, 2007
Nais ko sana noong magresign at magmasteral degree muna… Nakatanggap kase ako ng sulat mula sa DOST na papag-aralin daw nila ako sa mga mamahaling schools sa bansa (ako ang pipili sa mga pagpipilian), sila na ang babayad ng full tuition at bibigyan pa nila ako ng 10K bwan-bwan, hindi pa kasama dun ang 7K para sa mga libro at 60K para sa thesis/dissertation. Napakagandang offer - kaya inasikaso ko na ang mga papeles at sinabi sa lahat - "babay." Nalungkot ang aking kliyente. Sobrang lungkot - pero ikinasisiya nya raw na makasama ako sa loob ng taon. Nangangailangan pa sila ng marami pang mga trabahador - kahit part time lang, at least 20 hrs a week, 10-15$ per hour. Sinabi nya pang possibleng makapagpart-time ako habang nag-aaral, basta ba't pumayag ang aming pinakaboss. Sobrang pang naragdagan ang aking excitement. Ilang araw ding tardy o absent ako sa kaaasikaso sa mga papeles - NBI, Certified TOR, Medical, ek ek. Sobrang bagal - sa NBI palang dalawang araw akong bumalik hindi pa rin natapos. Ang haba ng pila. Sa Ospital nman, maaga pa lang, ubos na ang service slots. Konte lang ang natanggap kong sweldo sa kakalabas. Matapos nang lahat ng paghihirap - isa na lang ang natira sa mga requirement - pirma ng pinaka boss sa DOST. Nung pumunta ako dun - sabi ng sekretarya nasa Cebu pa daw ang amo.
"Kelan babalik?" tanong ko.
"Pagkatapos ng eleksyon," sagot n'ya.
Kinabahan na ako. May 14 ang eleksyon. May 15 ang deadline ng mga papeles ko. Aabot kaya?
"Wala bang OIC o sinumang makapipirma nito?" tanong ko.
"Wala na eh - s'ya lang makapipirma n'yan, at walang inappoint na OIC."
Gusto ko s'yang hawakan sa balikat at yugyugin. Pilitin. Reypin…
Hay, sobrang natuwa ang cliyente ko. Hindi na ako magreresign. Sabi n'ya, sana natutuwa rin ako.
Sagot ko naman, "syempre… Pero mas matutuwa ako pag merong bonus. Joke lang. Lagyan mo kaya ng mga deadlines ang mga tasks namin para madaling matapos? Kahit na maraming problema magagawan namin ng paraan basta't merong pampagana…"
Dun na. Yun ata ang pinakamagandang at pinakamatapang na salitang nabitawan ko sa loob ng isang taon.
Mga ilang araw pa - binigyan kami ng deadline, kasama ng alok na $150 kapag naabot yun. Tatlo kami ang maghahati-hati. Kaya night shift na ako ngaun para tuloy-tuloy ang aming pagmimina ng mga impormasyon…
Ganun yun, kaya palit iskudyul ko. Ehehehe. Wag nyo akong hihingan ng balato. Wag n'yo akong asarin sa kadadaldal n'yo na may bonus kaming parating - baka isang linggo na maputol ang connection o magkalindol na naman sa Taiwan, sumablay pa. Silent lang kayo, ok? Huwag n'yong uunahan ang grasya, darating lang yun. Bwahahaha.
Previous Comments
wow! ang swerte!
Posted by jengkie at June 26, 2007, 10:10 am






buong bayan si JAlex magpapainom raw!
Posted by pancakes at June 25, 2007, 10:48 pm