Insomnia sa trabaho
June 26, 2007
Hay. Kala ko aantukin ako sa panggabi na shift. Kalahating kutsaritang kape lang naman ang ininom ko ah (kalahating kutsaritang asukal at at least dalawang paketeng creamer). Bakit ayaw akong patulugin? Naiinggit na ako sa mga kasama ko dito - na ang iba'y humihilik pa nga.
Isa sa mga nagugustuhan ko sa opisina - ay ang napakarelaxed na atmosphere. Merong rules. No sleeping at work. But who cares?
) Eh sa inaantok eh!
Panu ba ako matutulog nito? Ayaw akong dalawin ng antok! Ang katotohanan - ang dumalaw sa akin ay gutom! Naks. Kumalam talaga sikmura ko kahit nagsopas ako at kanin kanina. Kaya food trip to the max na naman me - isang supot ng King Flakes. Yun lang ang maaafford ko sa ngayun, or willing kung bilhin, or ang pinaka accesible na pagkain. Ehehe. Gutom solb. Naka dalawang brown outs na. Pero hindi pa rin ako makatulog. Kaya pagbalik ng kuryente, blag muna.
Image credits: Loothang Design Labs, the official Graphics Artist for SIDHI.I.PH






