Night Shift - Pampababa ng Libido!
June 28, 2007
Hay, nako. Ikaapat na gabi ko ngaun mula nang malipat sa night… Wala naman akong problema sa schedule na panggabi, mabuti nga at marami pa akong nagagawa sa araw - pagkatapos ng sandaling idlip. Isa pa, ako naman ang may kagustuhan na mapunta rito - para tuloy tuloy ang trabaho namin ng mga ka kasama ko sa Earthdiver team… Pero may isa lang akong napansin sa aking sarili - bumababa na ata ang lebel ng aking libido!
Ahaha, h'wag kayong bastos! Malinis na usapan to… Bakit ngaba palagay ko, parang humina ang natural response ko sa mga outside stimulants. Kahit ang mga involuntary rituals na nangyayari dati'y hindi ko na napapansin sa aking katawan. Katulad nalang ng flag raising ceremony tuwing umaga, o kaya'y sa bawat paggising - wala na yun. Kahit pa na paluin ko pa yung unggoy, walang pa ring gana…
Hay, ganito pala ang night shift… May night differential nga, pero ang P75 kada araw na yun ay para din naman pambili ng mangunguya sa magdamag, maiinom, gamot sa sakit ng ulo, vitamins panlaban sa sakit, compensation para sa mga nawalang night-life opportunities, at higit sa lahat - sa pagkawala ng libido.
Wooooh! Gusto ko pa! At least, nababawas-bawasan man lang ang aking mga kasalanan…. Kaya, behave! Muling matutulog ang aking mundo, walang gigising.
Image credits: Loothang Design Labs, the official Graphics Artist for SIDHI.I.PH






